Racela, 4 bagito kakaliskisan

Pagbabalik bilang bagong coach ni Raoul Cesar ‘Nash’ Racela at rampa ng apat na bagito ang aabangan sa salpukang Blackwater Bossing at NorthPort Batang Pier ngayong Lunes ng 6:45 nang gabi sa 45th PBA Philippine Cup 2020 elims sa bubble Clark Freeport & Special Economic Zone sa Angeles City.

The post Racela, 4 bagito kakaliskisan first appeared on Abante.

racela 4 bagito kakaliskisan - Racela, 4 bagito kakaliskisan
nash racela - Racela, 4 bagito kakaliskisan

Pagbabalik bilang bagong coach ni Raoul Cesar ‘Nash’ Racela at rampa ng apat na bagito ang aabangan sa salpukang Blackwater Bossing at NorthPort Batang Pier ngayong Lunes ng 6:45 nang gabi sa 45th PBA Philippine Cup 2020 elims sa bubble Clark Freeport & Special Economic Zone sa Angeles City.

Kakrus ng landas ng Sy franchise sa pagrenda ni Racena at parada nina newbie Maurice Shaw at Richard Escoto ang Batang Pier ni coach Alfredo Lorenzo ‘Pido’ Jarencio at ng mga bagong salta ring sina Renz Subido at Sean Manganti.

Nag-bench tactician din si Racela, 48, sa TNT KaTropa (Tropang Giga na) noong 2016-18 patungo sa all-Pinoy conference na ito, restart mula sa pitong buwang pagkatengga dahil sa lockdown dulot ng Covid-19. (Lito Oredo)

The post Racela, 4 bagito kakaliskisan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *