Racasa namayapag sa rapid chess

PINAKITA ni 12-year-old woodpusher Antonella Berthe Racasa ang tikas­ nang magkampeon sa katatapos na Inter-Schools Rapid Chess Championships Elementary – Open Division nitong Sabado ng gabi sa Manila Prince Hotel sa San Marcelino, Ermita, Manila.

The post Racasa namayapag sa rapid chess appeared first on Abante News Online.

racasa namayapag sa rapid chess - Racasa namayapag sa rapid chess
ABANTE Pesimo Marticio chess - Racasa namayapag sa rapid chess

PINAKITA ni 12-year-old woodpusher Antonella Berthe Racasa ang tikas­ nang magkampeon sa katatapos na Inter-Schools Rapid Chess Championships Elementary – Open Division nitong Sabado ng gabi sa Manila Prince Hotel sa San Marcelino, Ermita, Manila.

Dala ang Victory Christian International School, umiskor si Racasa ng 6.5 points sa pitong laro sapat upang masolo ang korona sa event na ipinatupad ang seven rounds Swiss system.

Nakopo ni Philippine Sportswriters Association, (PSA) awardee Al-Basher Buto ang second place, nakalikom ang pambato ng Faith Christian School ng anim na puntos habang third place si Joshua Baldera ng Tanza Elementary, nilista niya ang 5.5 points.

Ang mga nakapasok sa top 10 ay sina Cyrus James Damiray, (4th), Mar Aviel Carredo, (5th), Gladimir Chester Romero, (6th), Phil Martin Casiguran, (7th), Mark Gabriel Usman, (8th), Ivan Travis Cu, (9th) at Julie Gelua Jr. (10th). (Elech Dawa)

The post Racasa namayapag sa rapid chess appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *