Racal out na sa season

Si Alaska big Kevin Racal ang unang casualty ng PBA bubble sa Clark.

The post Racal out na sa season first appeared on Abante.

racal out na sa season - Racal out na sa season
abante kevin racal - Racal out na sa season

Si Alaska big Kevin Racal ang unang casualty ng PBA bubble sa Clark.

Out na sa season ang 29-anyos na guard/forward mula Letran.

Sa pangalawang laro ng Aces sa Philippine Cup restart nitong Miyerkoles dumating sa Smart 5g-powered AUF gym si Racal pero naka-civilian na at pinanood lang ang 93-81 loss sa Meralco.

Sa 100-95 loss din sa TNT noong Linggo, bumagsak si Racal at tumama ang kanang tuhod.

Hindi magandang balita ang tinanggap ng Aces paglabas ng result ng tests nitong Huwebes.

“Kevin is doing okay. But unfortunately, official result is he did suffer an ACL (injury) and he’s out for this conference na,” balita ni coach Jeffrey Cariaso sa media availability kahapon. “A big hit for us.”

Si Racal ang isa sa best defensive man ni Cariaso, kailangan ngayong mag-step up ang ibang guards sa tangkang makabawi bukas kontra Magnolia.

Nasa loob pa ng bubble si Racal, wala pang plano kung lalabas na. Sa estado ng mga ganu’ng injury, matagal ang rehab. Aabutin siya ng hanggang next season na.

Malaking kawalan sa Aces na naghahanap ng unang panalo sa restart.

“K-Racs is one of the most hardworkers sa amin,” salo ni Jeron Teng. “(Racal) can complement other players and inside the court, he knows his role.” (VE)

The post Racal out na sa season first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *