Pwede pumalit kay Steve Harvey! Boxing announcer sablay sa pagsigaw ng panalo

Natawa si Senador Sonny Angara sa pangyayari sa DAZN main event kung saan nagkaharap sina Daniel Jacobs at Gabriel Rosado.

The post Pwede pumalit kay Steve Harvey! Boxing announcer sablay sa pagsigaw ng panalo first appeared on Abante.

pwede pumalit kay steve harvey boxing announcer sablay sa pagsigaw ng panalo - Pwede pumalit kay Steve Harvey! Boxing announcer sablay sa pagsigaw ng panalo
Steve Harvey - Pwede pumalit kay Steve Harvey! Boxing announcer sablay sa pagsigaw ng panalo

Natawa si Senador Sonny Angara sa pangyayari sa DAZN main event kung saan nagkaharap sina Daniel Jacobs at Gabriel Rosado.

Sa nasabing laban, inaaunsyo ni ring announcer Jeremiah Gallegos ang resulta kung saan bigla nitong sinabi na ang nagwagi ay mula sa Philadelphia.

Kaya naman nagbunyi na si Rosado dahil narinig nito ang kanyang hometown, ngunit mabilis na binawi ni Gallegos ang kanyang announcement at dineklarang si Jacobs mula Brooklyn ang tunay na panalo.

Hirit ni Angara, kung magreretiro si Steve Harvey sa Miss Universe ay may swak na pamalit na sa sikat na host.

Matatandaan na si Harvey ang nag-anunsyo noon na si Miss Colombia ang nanalo sa Miss Universe 2015, ngunit ilang minuto ang nakalipas ay binawi ito at si Pia Wurtzbach ang hinayag na tunay na Miss U. (RP)

The post Pwede pumalit kay Steve Harvey! Boxing announcer sablay sa pagsigaw ng panalo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *