Puentevella: Weightlifting, Olympic qualifying event

MAGSISILBING two-in-one na Olympic qualifying event ang isasagawa ng Pilipinas na weightlifting event sa pagho-host sa ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa Ninoy Aquino Stadium.

puentevella weightlifting olympic qualifying event - Puentevella: Weightlifting, Olympic qualifying event
weight - Puentevella: Weightlifting, Olympic qualifying event

MAGSISILBING two-in-one na Olympic qualifying event ang isasagawa ng Pilipinas na weightlifting event sa pagho-host sa ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa Ninoy Aquino Stadium.

Ito ang sinabi ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) President Monico Puentevella matapos mag-courtesy call ang 10-kataong pambansang koponan sa pamumuno ni 2018 Jakarta Asian Games gold medalist at 2016 Rio de Janeiro silver medalist Hidilyn Diaz sa opisina ni Team Pilipinas chef de mission William ‘Butch’ Ramirez Huwebes ng tanghali.

Ipinaliwanag ni Puentevella na maaaring sumali ang mga kalahok mula sa buong Asya na naghahangad makapasok sa 2020 Tokyo Olympics sa torneo para makatipon ng mga kailangan na puntos habang paglalabanan din ang mga gintong medalya at puntos sa tampok na kompetisyon ng SEA Games.

“Inaprubahan ng IWF ang request natin na maging Olympic qualifying ang event natin sa SEA Games. Isang silver level ang pagsasagawa natin ng SEA Games weightlifting kaya mas maraming chances na maibibigay sa ating mga atleta,” sabi ni Puentevella.

Ipinakita naman ng 28-anyos na Diaz ang kanyang dalawang tansong medalya na napanalunan sa IWF World Weightlifting Championships sa paglahok sa women’s 55kgs. division sa nabuhat nitong kabuuang 214kgs. sa snatch at clean and jerk.

Kailangan pa ni Diaz makumpleto ang required na anim na salihang sanctioned na torneo na polisiya ng IWF upang masiguro ang kanyang ikaapat na sunod na pagtuntong sa Olympics. (Lito Oredo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *