PSC pipiliting maging epektibo bubble training

Pag-aaralan nang husto ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagsasagawa sa national training camp bubble bilang guide sa mga susunod na kampanya ng bansa sa lokal at internasyonal na torneo kung magtatagumpay sa nalalapit na isasagawang mga kompetisyon.

The post PSC pipiliting maging epektibo bubble training first appeared on Abante.

psc pipiliting maging epektibo bubble training - PSC pipiliting maging epektibo bubble training
abante psc 1 - PSC pipiliting maging epektibo bubble training

Pag-aaralan nang husto ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagsasagawa sa national training camp bubble bilang guide sa mga susunod na kampanya ng bansa sa lokal at internasyonal na torneo kung magtatagumpay sa nalalapit na isasagawang mga kompetisyon.

Sinabi ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez na ang isasagawa ng ahensiya na training bubble ay magsisilbing guide para sa mga susunod na training setup ng mga pambansang atleta habang naghahanda sa dumaraming mga internasyonal na torneo.

“If ito mag-click, maging successful, then we can continue to potential athletes going to the Southeast Asian Games, the AIMAG (Asian Indoor Martial Arts Games). Kasi ang priority muna namin dito is yung mga may malalaking chance mag-qualify to the Olympics,” sabi ni Ramirez.

Gayunman, hindi inaalis ni Ramirez na ang mga NSA na may atletang mataas ang tsansa na makapagkuwalipika sa Olympics ay makakapagsagawa ng kanilang sariling training bubble setup.

“Provided they could identify a venue, present a realistic budget, show they have the potential to get Olympic slots and follow the 10-point protocol,” sabi ni Ramirez. (Lito Oredo)

The post PSC pipiliting maging epektibo bubble training first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *