PSC bubble inaapura

Nais ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez na iprayoridad ang mga national athlete sa coronavirus vaccine dahil karamihan sasailalim na sa bubble training camp bubble at lalahok sa mga Olympic Qualifying Tournament (OQT).

The post PSC bubble inaapura first appeared on Abante.

psc bubble inaapura - PSC bubble inaapura
William %E2%80%98Butch%E2%80%99 Ramirez - PSC bubble inaapura

Nais ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez na iprayoridad ang mga national athlete sa coronavirus vaccine dahil karamihan sasailalim na sa bubble training camp bubble at lalahok sa mga Olympic Qualifying Tournament (OQT).

Pero aminado ang government sports chief na posibleng wala pang makukuhang vaccine ang bansa sa unang buwan ng 2021 kaya tatalima na lang sa 10 puntos na polisiya sa training bubble at sa health and safety rule ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-IED).

“We were informed that the vaccine is not sure by January. We want to prioritize sana athletes dahil they will be preparing for the Olympics, the Southeast Asian Games, the Asian Indoor and Martial Arts Games and also the Asian Youth Games,” pahayag Linggo ni Ramirez.

Pinanapos niya na nakipag-ugnayan na sila sa Department of Health (DoH)at IATF kung saan ibinigay niya ang mga punto para sa kapakanan ng mga manlalaro naghahabol ng puwesto para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 saTokyo, Japan na inuring lang ng July 2021. (Angelito Oredo)

The post PSC bubble inaapura first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *