Pringle, Thompson haharabas sa Gins

HINDI pa rin tiyak kunng makakasalang ngayong araw sina veteran playmaker LA Tenorio at forward Japeth Aguilar, sasandal ang Barangay Ginebra San Miguel kina Stanley Pringle at Scottie Thompson sa pagbubukas muli ng PBA 45th season sa bubble format sa AUF Gym sa Clark, Pampanga.

The post Pringle, Thompson haharabas sa Gins first appeared on Abante.

pringle thompson haharabas sa gins - Pringle, Thompson haharabas sa Gins
abante thompson pringle - Pringle, Thompson haharabas sa Gins

Mga Laro Ngayon:
(AUF Gym/Clark)
4:00pm — TNT vs Alaska
6:45pm — Ginebra vs NLEX

HINDI pa rin tiyak kunng makakasalang ngayong araw sina veteran playmaker LA Tenorio at forward Japeth Aguilar, sasandal ang Barangay Ginebra San Miguel kina Stanley Pringle at Scottie Thompson sa pagbubukas muli ng PBA 45th season sa bubble format sa AUF Gym sa Clark, Pampanga.

Babanggain ng Gin Kings ang NLEX Road Warriors sa main game alas-6:45 ng gabi pagkatapos ng upakan ng TNT at Alaska Aces sa unang laro ganap na alas-4 ng hapon.

Ayon kay Ginebra coach Tim Cone, matinding laban ang tiyak na ibibigay sa kanila ng NLEX sa pamumuno ni coach Yeng Guiao.

“We’re looking to have the edge that we can get,” sabi ni Cone.

Tingin naman ni Guiao, mahirap sabihin kung sino sa kanila ng Ginebra ang mas nakakalamang.

“Medyo mahirap hulaan. I’m not really sure. There’s a lot of intangibles, lots of unknowns,” sabi ni Guiao.

“It’s really difficult. It’s hard to say in this unique situation which nobody has experienced before.”

Aasa rin si Cone sa mga bagitong sina Kent Salado, Arvin Tolentino at Jerrick Balanza habang masasagupa nito ang halos bagong balasa na koponan ng Road Warriors sa pamumuno nina Kiefer Ravena, Jericho Cruz, JR Quinahan, Philip Paniomogan at nagbabalik na si Kevin Alas. (Lito Oredo)

The post Pringle, Thompson haharabas sa Gins first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *