Pringle, Parks, Abueva markado sa BPC award

Pangungunahan nina Stanley Pringle at Bobby Ray Parks ang limang contenders para sa PBA Best Player of the Conference award mula sa Philippine Cup Pampanga bubble.

The post Pringle, Parks, Abueva markado sa BPC award first appeared on Abante.

pringle parks abueva markado sa bpc award - Pringle, Parks, Abueva markado sa BPC award
abante best playe - Pringle, Parks, Abueva markado sa BPC award

Pangungunahan nina Stanley Pringle at Bobby Ray Parks ang limang contenders para sa PBA Best Player of the Conference award mula sa Philippine Cup Pampanga bubble.

Giniyahan ni Pringle ang Ginebra sa kampeonato ng nag-iisang conference ng coronavirus-shortened 45th season laban sa TNT ni Parks.

Unang all-Filipino crown ‘yun ng Gins sapul noong 2007.

Si sophomore Parks ang top player sa statistical points standings.

BPC ang highest individual award ng nagdaang season, walang MVP. Nagsimula kahapon, Jan. 5, at matatapos sa Jan. 11 ang botohan mula sa players, media at Commissioner’s Office.

Kandidato rin sina Phoenix stars Calvin Abueva at Matthew Wright, Tropang Giga teammate ni Parks na si RR Pogoy, at CJ Perez ng Terrafirma.

No. 6 si Pringle sa statistical standings pero top player ng Gins sa eliminations hanggang Finals.

Pangalawa si Abueva sa stats race, kasunod sina Perez, Wright at Pogoy.

Virtual ang PBA Awards Night sa Jan. 17 sa halip na ang tradisyunal na Leo Awards.

Gitgitan sa Outstanding Rookie sina Arvin Tolentino ng Ginebra, Aaron Black (Meralco), Roosevelt Adams (Dyip), Barkley Ebona (Alaska) at Aris Dionisio (Magnolia).

Sa Most Improved Player sina Justine Chua at Jason Perkins (Fuel Masters), Prince Caperal (Gins), Javee Mocon (Rain or Shine), Raul Soyud (NLEX) at Reynel Hugnatan (Bolts). (VE)

The post Pringle, Parks, Abueva markado sa BPC award first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *