Pringle, NorthPort ginimbal ang TNT

TINAKBUHAN ng NorthPort ang TNT KaTropa sa second quarter bago kinumpleto ang wire-to-wire 109-83 panalo sa Smart Araneta Coliseum Linggo ng gabi.

The post Pringle, NorthPort ginimbal ang TNT appeared first on Abante News Online.

pringle northport ginimbal ang tnt - Pringle, NorthPort ginimbal ang TNT
north 1 - Pringle, NorthPort ginimbal ang TNT

TINAKBUHAN ng NorthPort ang TNT KaTropa sa second quarter bago kinumpleto ang wire-to-wire 109-83 panalo sa Smart Araneta Coliseum Linggo ng gabi.

Sumisinghap pa ang Batang Pier sa paghabol sa playoffs, iniangat ang kartada sa 3-6. Pipilitin ng NorthPort na makuha ang panalo sa huling da­lawang laro, una kontra Alaska sa Miyerkoles sa Big Dome Rin.

Binigyan pa ng Batang Pier ng free ride sa No. 2 ang Rain or Shine (8-3) dahil sa talo ng KaTropa na natapos ang kampanya sa eliminations.

Natuldukan ang six-game losing streak ng NorthPort dahil naalagaan na ang malaking 31-point lead hanggang dulo.
“Breaks of the game noh? Sa akin hindi banderang kapos. We’re not hitting our shots, we’re forcing,” bungad ni coach Pido Jarencio sa post game interview.

Kumana ng 75 percent shooting (12 of 16) ang Batang Pier sa se­cond quarter para kumalas 53-31 sa halftime.
Hindi na lumingon mula roon ang NorthPort, pinabuka pa ang abante sa 109-78 bago ang final tally.

“’Yung mga libreng tira pumapasok, ‘di tulad nung last game namin pati free throw hindi pumapasok,” dagdag ni Jarencio.

Balik ang angas ni Stanley Pringle, naglista ng 10 points sa second nang ma-outscore ng Batang Pier ang KaTropa 31-15. Tumapos si Pringle ng game-high 27 points mula 10 of 16 shooting at may 9 rebounds pa.

Nagdagdag si Sean Anthony ng 14 points, 7 rebounds at 4 assists, may tig-13 sina Mo Tautuaa at Paolo Taha para sa NorthPort.

Namuno sa TNT ang 15 points ni Don Trollano, may 13 si Jay Washington. 

The post Pringle, NorthPort ginimbal ang TNT appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *