Pringle, Gin Kings pupundihin Bolts

SALPUKAN ng dalawang grandslam coach ang nalalapit na paghaharap bukas, Miyerkoles, ng Ginebra at Meralco sa Game 1 ng kanilang 2020 Honda PBA Philippine Cup best-of-five semifinals.

The post Pringle, Gin Kings pupundihin Bolts first appeared on Abante.

pringle gin kings pupundihin bolts - Pringle, Gin Kings pupundihin Bolts
abante pringle - Pringle, Gin Kings pupundihin Bolts

Mga laro Miyerkoles: (AUF Gym/Clark)
3:45pm – Tropang Giga vs Phoenix
6:30pm – Meralco vs Ginebra

SALPUKAN ng dalawang grandslam coach ang nalalapit na paghaharap bukas, Miyerkoles, ng Ginebra at Meralco sa Game 1 ng kanilang 2020 Honda PBA Philippine Cup best-of-five semifinals.

Unang umusad ang top seed Gin Kings habang kinailangan ng 5th seed Bolts dumaan sa matira-matibay na ikalawang laro upang patalsikin ang limang sunod naging All-Pinoy Cup champs na San Miguel Beer.

Huling tinalo ng Gins ang Bolts nito lamang Enero sa Governors’ Cup.

Dito sinabi ni Ginebra team captain LA Tenorio kay coach Tim Cone na nais nitong maiuwi ang All-Filipino Cup trophy na matagal na hindi napapanalunan ng koponan.

Makakatuwang pa rin ng Ginebra si Stanley Pringle, maging sina Scottie Thompson, Japeth Aguilar, Joe Devance at Tenorio.

Huling iniuwi ng Gin Kings ang korona ng All-Filipino Cup noong 2007 habang unang pagkakataon ng Meralco, na ika-16 na koponan na nagawang makalampas sa twice-to-beat na kalaban, na tumuntong sa semifinals sapul na magbalik sa liga noong 2010.

Isa sa sinandigan ng Bolts ang 2019 Southeast Asian Games 3×3 gold medalist na si Chris Newsome.

Nagpapamalas din ng lakas ng loob ang rookie na si Aaron Black, na nagawang maging Best Player of the Week, sa una nitong taon at playoffs. (Lito Oredo)

The post Pringle, Gin Kings pupundihin Bolts first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *