Princess Eowyn umulit sa Sampaguita Stakes Race

DUMAAN sa butas ng karayom si Princess Eowyn bago sinikwat ang titulo sa 2020 Philracom Sampaguita Stakes Race nitong Linggo sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

The post Princess Eowyn umulit sa Sampaguita Stakes Race first appeared on Abante.

princess eowyn umulit sa sampaguita stakes race - Princess Eowyn umulit sa Sampaguita Stakes Race
karera 3 - Princess Eowyn umulit sa Sampaguita Stakes Race

DUMAAN sa butas ng karayom si Princess Eowyn bago sinikwat ang titulo sa 2020 Philracom Sampaguita Stakes Race nitong Linggo sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Nagkaroon ng matinding aksyon sa unahan ng makipaggitgitan si Princess Eowyn kay Obra Maestra.

Paglabas ng aparato ay humahangos sina Princess Eowyn, Obra Maestra at Shanghai Grey sa pagkuha ng bandera.

Subalit makaraan ang isang daang metro ng karera ay sina Princess Eowyn at Obra Maestra na lamang ang nasa unahan at naglutsahan ang dalawa hanggang far turn.

“Medyo hindi maganda ang alis ng kabayo ko, kaya ang ginawa ko, sabi ko sa kabila naman, sigurado lalakas naman ang ere namin. So mi-nentain ko lang ang puwesto ko. Sa rekta ko nakuha, noong umigkas pa, sabi ko panalo na ito,” sabi ni ng hinete ng winning horse na si Jonathan Hernandez.

Nakamit nh owner na si Edward Vincent Diokno ang P1.2 million prize sa panalo ni Princess Eowyn, 5-year-old filly na kampeon din sa parehong karera noong 2019.

Umoras si Princess Eowyn ng 1:58 minuto sa 1,800 meter race. (Elech Dawa)

The post Princess Eowyn umulit sa Sampaguita Stakes Race first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *