Porzingis garahe sa injury

TAPOS na ang season ni Dallas Mavericks big man Kristaps Porzingis, hindi na makakapagpatuloy sa natitirang mga laro sa first round kontra Los Angeles Clippers sa 2019-2020 NBA playoffs.

The post Porzingis garahe sa injury first appeared on Abante.

porzingis garahe sa injury - Porzingis garahe sa injury
Kristaps Porzingis - Porzingis garahe sa injury

TAPOS na ang season ni Dallas Mavericks big man Kristaps Porzingis, hindi na makakapagpatuloy sa natitirang mga laro sa first round kontra Los Angeles Clippers sa 2019-2020 NBA playoffs.

Bartolina na si Porzingis dahil sa knee injury ayon mismo sa koponan nitong Biyernes (Sabado sa Pilipinas).

Binibigyan ng treatment si Kristaps sa kanyang napunit na meniscus sa kanang tuhod.

“Further treatment options are being explored,” ayon sa team statement.

Nasaktan si Porzingis sa Game 1 ng serye, kasalukuyang angat ang Clippers, 3-2, at maaari nang umabante sa semis ng Western Conference kapag nanalo sa Game 6.

Halos isang buong season na ring hindi nakapaglaro si Kristaps nang mapunit naman ang anterior cruciate ligament (ACL) sa kaliwang tuhod noong Pebrero 2018 habang nasa New York Knicks pa ito. (Elech Dawa)

The post Porzingis garahe sa injury first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *