Pondo para sa SEAG equipment ilalabas na

HANDA nang mag-release ng pondo para sa mga competition equipment na gagamitin sa hosting ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games, ayon kay Philippine Sports Commission Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

pondo para sa seag equipment ilalabas na - Pondo para sa SEAG equipment ilalabas na
sea games - Pondo para sa SEAG equipment ilalabas na

HANDA nang mag-release ng pondo para sa mga competition equipment na gagamitin sa hosting ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games, ayon kay Philippine Sports Commission Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Sa napag-usapan sa Tripartite Agreement na pinirmahan ng PSC, Philippine Olympic Committee (POC) at ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc), handa nang ilipat ng PSC ang pondo sa POC matapos ipasa ng Phisgoc ang kanilang master list para sa competition equipment requirements sa SEA Games.

Sinabi ni sports chief Ramirez na isang tagumpay na rin para sa Pilipinas ang makapagpatayo ng united sports community para mas lalong maging ganado ang mga Filipino athlete na mag-ensayo at makipag compete kontra sa mga kalaban sa kalapit bansa.

“The real victory we gain are the values that we are going to develop among our athletes and country men, through our participation in this Games,” hayag ni Ramirez.

Huling nag-host ng SEAG ang Pilipinas ay noong 2005, kung saan ay si Ramirez din ang PSC chairman at Chef de Mission ng Team Philippines, naging matagumpay ang pagiging punong-abala sa nasabing biennial event at nais itong mahigitan ngayong 2019 hosting. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *