Polish chesser durog kay So

SAMPA sa semifinals ng Online Speed Chess Championship si super GM Wesley So matapos patalsikin ang batang si Jan Kryzstof Duda ng Poland, 16-10, sa quarterfinals.

The post Polish chesser durog kay So first appeared on Abante.

polish chesser durog kay so - Polish chesser durog kay So
So - Polish chesser durog kay So

SAMPA sa semifinals ng Online Speed Chess Championship si super GM Wesley So matapos patalsikin ang batang si Jan Kryzstof Duda ng Poland, 16-10, sa quarterfinals.

Sunod na makakalaban ng dating Philippine Chess team star ang mananalo sa pagitan nina defending champion at US GM Hikaru Nakamura at GM Vladimir Fedoseev ng Russia.

Inaasahang mas mapapalaban nang todo ang Imus, Cavite native chesser dahil sumusulong din ng piyesa sa ibang quarterfinals match si reigning world champion GM Magnus Carlsen ng Norway.

Posibleng makatapat ni So na dala ang bandera ng America si Carlsen sa championship round.

Nagbabanatan din sa isa pang quarters matchup sina world No. 5 at 6 na sina GM Maxime Vachier-Lagrave ng France at Levon Aronian ng Armenia.

Noong 2014 nagsimula maglaro para sa Amerika si 27-year-old So.

Habang naghihintay ng makakaharap, sasalang muna ang Pinoy woodpusher sa Champions Chess Tour na magsisimula ang opening tournament sa Nobyembre 22-30. (Elech Dawa)

The post Polish chesser durog kay So first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *