Pogoy pasabog ng 45 vs Alaska

Nagpasabog ng 45 points sa likod ng 10-of-17 3-point shots si Roger Ray Pogoy upang ibangon ang TNT Tropang Giga buhat sa 17 points down at timbugin ang Alaska Milk, 100-95, sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 eliminations restart sa bubble sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Angeles City Linggo ng gabi.

The post Pogoy pasabog ng 45 vs Alaska first appeared on Abante.

pogoy pasabog ng 45 vs alaska - Pogoy pasabog ng 45 vs Alaska
abante pogoy - Pogoy pasabog ng 45 vs Alaska

Nagpasabog ng 45 points sa likod ng 10-of-17 3-point shots si Roger Ray Pogoy upang ibangon ang TNT Tropang Giga buhat sa 17 points down at timbugin ang Alaska Milk, 100-95, sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 eliminations restart sa bubble sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Angeles City Linggo ng gabi.

Ang kabayanihan niya ang bumalewala sa pagka-ejected ni John Paul ‘Poy’ Erram sa unsportsmanlike foul sa pagsiko kay Abel Galliguez, may 5:28 pa sa opening quarter, at injured na si Bobby Ray Parks Jr. para samahan sa early lead ang defending champion San Miguel Beer (1-0).

Nakumpleto ang pagkapatalsik kay Erram sa isa pang flagrant foul na karate chop kay Kevin Ebona. Naduguan pa si Pogoy sa huling 2:37 sa game nang makabunggo si Mike Digregorio.

May 8 rebounds, 3 steals at 2 assists pa si Pogoy para maiahon ang Giga sa 32-15 pagkaiwan nang isalpak ni rookie Jaycee Marcelino ang isang jumper para sa Aces (0-1) sa maaga ng second period.

May mahalagang ayudang 28markers si Jayson Castro para sa TNT, kabilang ang isang steal sa endgame para sa come-from-behind win.

The post Pogoy pasabog ng 45 vs Alaska first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *