Pogoy, Parks, Caperal rebelasyon sa Bubble

Impressive ang mga laro sa PBA bubble.

The post Pogoy, Parks, Caperal rebelasyon sa Bubble first appeared on Abante.

pogoy parks caperal rebelasyon sa bubble - Pogoy, Parks, Caperal rebelasyon sa Bubble
defense minister jerry codinera 2 - Pogoy, Parks, Caperal rebelasyon sa Bubble

Good day mga ka-Abante!

Impressive ang mga laro sa PBA bubble.

Madaming mga revelation na manlalaro tulad nila Pogoy, Parks, Caperal at iba pa na nagpakitang gilas sa larangan ng scoring.

Break lang din talaga ang kailangan ng mga bagong player para maipakita nila ang kanilang kakayahan sa larangan ng basketball.

May mga ilan manlalaro at opisyales din ang nag-postive sa COVID-19 pero after sila i-quarantine at i-ANTIGEN TEST e naka-recover din sila.

Ang laki ng gastos ng mga team na nag-bubble tulad ng NBA at PBA .

Kung iisipin mo, worth it ba talaga na ituloy pa ang mga laro considering ang buhay ng mga tao ang nakataya? Lalo na kung ang vaccine eh mukhang napabalitang mga 2 years pa yata dadating.

Kung ipagpapaliban din naman ang mga tournament ng mga manlalaro, paano na ang magiging kundisyon ng kanilang mga katawan?

Sana makaisip pa ng magandang sistema ang mga official ng Joint Inter Agency Task Force at GAB. With close coordination and strict protocols pa rin.

Pagdating sa College basketball tulad ng UAAP at NCAA sa susunod na taon, siguro naman marami matutunan ang mga organizer kung paano mag-conduct ng laro.

Malamang super tahimik ang magiging atmosphere dahil sa kawalan ng mga estudyante, guro at magulang. Sa isang banda ito naman ay makakabuti para sa lahat para iwas COVID-19.

Alam ko suntok sa buwan ang ating suggestion, pero viable ito sa mga less fortunate teams and other events.

Isa pa sa aking hinahangad eh na sana luwagan ng konti ang quarantine procedure ng bawat lugar lalo na kung meron nang medical certificate at rapid test at swabbing.

Ingat mga ka-Abante.

The post Pogoy, Parks, Caperal rebelasyon sa Bubble first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *