Pogoy magiging tinik vs Phoenix

SMART Clark Giga City – Ginawang asintahan ni RR Pogoy ang mga bantay na ibinato sa kanya ng Alaska sa PBA bubble sa Pampanga.

The post Pogoy magiging tinik vs Phoenix first appeared on Abante.

pogoy magiging tinik vs phoenix - Pogoy magiging tinik vs Phoenix
RR Pogoy 1 - Pogoy magiging tinik vs Phoenix

SMART Clark Giga City – Ginawang asintahan ni RR Pogoy ang mga bantay na ibinato sa kanya ng Alaska sa PBA bubble sa Pampanga.

Sa dalawang laro kontra Aces, pasabog ang TNT gunner ng combined 79 points mula sa 26 of 44 field goal shooting, 16 for 27 sa 3-point range.

Inari rin ng Tropang Giga ang Aces sa dalawang larong ‘yun na ga-batya ang tingin ni Pogoy sa basket ng Smart 5G-powered AUF gym.

Pasabog ang 28-anyos na Cebuano ng career-high 45 points sa 100-95 win ng TNT sa opening ng restart noong Oct. 11. Pasok ang 10 sa 17 bitaw niya sa labas ng arc.

At sa quarterfinals match nila nitong Sabado, may 34 markers si Pogoy nang sipain ng Tropa ang Alaska 104-83. Mula sa field ay 9 of 15 ang guard na produkto ng FEU, 6 for 10 sa 3s at 10 of 11 sa free throws sa loob ng 35 ½ minutes.

Hindi inaksaya ang win-once edge, biyaheng semis ng Philippine Cup ang Tropang Giga. Sa final four naman magbibigay ng problema si Pogoy sa makakalaban na Phoenix Super LPG.

Sisiklab ang best-of-five series sa Miyerkoles. (Vladi Eduarte)

The post Pogoy magiging tinik vs Phoenix first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *