POC todo ayuda kina Diaz, Didal

NAIS na madagdagan ang mga atletang sasabak sa Tokyo Olympics kaya itotodo ng Philippine Olympic Committee (POC) ang lahat upang matulungan ang mga National Sports Association (NSA).

The post POC todo ayuda kina Diaz, Didal first appeared on Abante.

poc todo ayuda kina diaz didal - POC todo ayuda kina Diaz, Didal
abante diaz didal - POC todo ayuda kina Diaz, Didal

NAIS na madagdagan ang mga atletang sasabak sa Tokyo Olympics kaya itotodo ng Philippine Olympic Committee (POC) ang lahat upang matulungan ang mga National Sports Association (NSA).

Ayon kay Chef De Mission Mariano ‘Nonong’ Araneta, may 82 pang national athlete ang naghahangad ng Olympic berth kabilang sina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz (weightlifting), 2019 world champion Nesthy Petecio (boxing), Fil-Japanese Kiyomi Watanabe (judo) at 2018 Asian Games gold medal winner Margielyn Didal.

“We have been talking to the 19 sports associations that are still in the thick of vying for qualification in the Olympics. Supportive naman si (PSC) chairman (William) Ramirez at si (Tagaytay City) Congressman Bambol Tolentino,” sabi ni Nonong.

Sina gymnast Carlos Edriel Yulo, pole vaulter Ernest John Obiena at mga boxer na sina Eumir Felix Marcial at Irish Magno ang may tiket pa lang sa 2020 Olympics sa Tokyo, Japan na naurong sa susunod na taon. (Elech Dawa)

The post POC todo ayuda kina Diaz, Didal first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *