Player of the Week si Baser

MAY bagong take-charge guy ang Meralco – si Baser Amer.

player of the week si baser - Player of the Week si Baser
baser amer - Player of the Week si Baser

MAY bagong take-charge guy ang Meralco – si Baser Amer.

Sa likod ng kabayanihan ni Amer, nagtuhog ng dalawang sunod na panalo ang Bolts sa PBA Governors Cup.

Nag-average ang 6-foot guard mula San Beda ng 26.5 points, combined 10 for 21 mula 3-point range sa mga panalo kontra Phoenix at Alaska na nagtulak sa Bolts sa 3-1 overall record.

May palamuti pang 4.0 assists at 3.5 rebounds per game ang 27-anyos na Davaoeno.

“A lot of times you need somebody to step up and take over for your team, and the last couple of games it has been Baser Amer,” lahad ni coach Norman Black.

Sa mga numerong ‘yun, iginawad kay Amer ang PBA Press Corps-Cignal Player of the Week honors (Sept. 30-Oct. 6). Pangalawang Bolt siyang tumanggap ng citation sa nakalipas na tatlong linggo pagkatapos ni Raymond Almazan.

Pasabog si Amer ng 27 points mula 6 for 11 shooting sa long range nang akayin ang Meralco sa 101-75 rout sa Alaska. Bulto ng kanyang puntos – 14 – ay dumating sa third nang kumalas ang team.

Sinundan niya ‘yun ng 26-point performance nang itumba ang Fuel Masters 111-94 noong Linggo.

“That feels good to see Baser had back-to-back great games offensively,” dagdag ni Black. “When he shoots the ball like that, it gives us a much better chance of winning.”

Naungusan ni Amer sa weekly honors ang teammate na si Chris Newsome na nagposte ng unang career triple-double na 13 points, 12 rebounds, 11 assists kontra Phoenix.

Nominado rin sina RR Pogoy, Don Trollano at Jayson Castro ng TNT, Alex Cabagnot at June Mar Fajardo ng San Miguel, at si Ian Sangalang ng Magnolia. (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *