Pippen: Hindi ako si Giannis

MAG-INGAT sa pagbanggit ng pangalan ni Scottie Pippen sa inyong mga tweet kung ayaw ninyong masopla.

The post Pippen: Hindi ako si Giannis first appeared on Abante.

pippen hindi ako si giannis - Pippen: Hindi ako si Giannis
abante pippen - Pippen: Hindi ako si Giannis

MAG-INGAT sa pagbanggit ng pangalan ni Scottie Pippen sa inyong mga tweet kung ayaw ninyong masopla.

Ito ang nangyari sa retired NBA forward na si Richard Jefferson matapos nitong ikumpirma si Milwaukee Bucks star Giannis Antetokounmpo kay Pippen.

Sinabi nitong posibleng katulad ni Giannis si Pippen, na kailangan ng isa pang star player tulad ni Michael Jordan para magkampeon.

Hindi ito nagustuhan ng six-time NBA champion, kinontra ang naging pahayag ni Jefferson at sinabing magkaiba sila ni ‘Greek Freak’ lalo’t magba-back-to-back MVP ito.

“I’m not Giannis – I don’t have back-to-back league MVPs (he will in a matter of days) – and he’s not me,” giit ni Pippen.

May pahaging pa ito kay Jefferson kung saan tinanong ni Pippen kung ano raw bang nagawa ni Jefferson bilang NBA player.

“The question is, who were you as a player?” patama ni Pippen kay Jefferson, na naging journeyman matapos pagpasa-pasahan ng walong koponan at nag-kampeon noong 2016 kasama sina LeBron James at Kyrie Irving sa Cleveland Cavaliers. (Raymark Patriarca)

The post Pippen: Hindi ako si Giannis first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *