Pingris may ayuda sa basketbolistang PWD

TRENDING sa social media ang video ng isang binata na putol ang paa na naglalaro ng basketball.

The post Pingris may ayuda sa basketbolistang PWD first appeared on Abante.

pingris may ayuda sa basketbolistang pwd - Pingris may ayuda sa basketbolistang PWD
Marc Pingris - Pingris may ayuda sa basketbolistang PWD

TRENDING sa social media ang video ng isang binata na putol ang paa na naglalaro ng basketball.

Hinangaan ang binata na si Teteng na kahit may kapansanan ay tuloy pa rin sa paglalaro.

Walang bakas ng hirap sa klase ng paglalaro ng binata, normal ito gumalaw sa loob ng court kaya naman lalong hinangaan ng marami.

Ipinoste ng HoopJunkie ang video ni Teteng na kaagad namang napukaw ang atensyon ng ‘Pinoy Sakuragi’ na si Marc Pingris ng Magnolia Hotshots.

Hinanap ni Ping ang binata at balak niya itong bigyan ng sapatos at sando.

Hirit pa nga ng Pinoy Sakuragi na gusto niyang makalaro si Teteng.

Sa latest post ng HoopJunkie, makikita na nakausap na ni Ping ang binata at balak pa niya itong dalawin na ikinatuwa naman ni Teteng. (Sarah Jireh Asido)

The post Pingris may ayuda sa basketbolistang PWD first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *