Pinagtabuyan ng mommy: Miami ‘home’ kay Jimmy

PINALAYAS ng sariling nanay si Jimmy Butler noong edad 13 pa lang, wala na siyang matuluyan sa Tomball, Houston.

The post Pinagtabuyan ng mommy: Miami ‘home’ kay Jimmy first appeared on Abante.

pinagtabuyan ng mommy miami home kay jimmy - Pinagtabuyan ng mommy: Miami ‘home’ kay Jimmy
abante jimmy butler 1 - Pinagtabuyan ng mommy: Miami ‘home’ kay Jimmy

PINALAYAS ng sariling nanay si Jimmy Butler noong edad 13 pa lang, wala na siyang matuluyan sa Tomball, Houston.

Homeless.

“I don’t like the look of you. You gotta go,” sabi raw ng ina.

Nakikitulog lang siya sa sofa ng mga kakilala hanggang kupkupin ng pamilya ng kaibigang.

Suwerteng nakakuha ng scholarship sa Marquette University sa Wisconsin, hanggang tinapik ng Bulls sa 30th pick noong 2011.

Naka-anim na season din sa Chicago bago pinamigay sa Minnesota. Hindi sila magkasundo ni Karl-Anthony Towns, tumalon si Butler sa Philadelphia.

Na-out ang Sixers sa second round ng playoffs sa kabila ng kumbinasyong Joel Embiid-Ben Simmons, nag-impake na si Butler.

Napadpad siya sa Miami.

Sa pangalawang season, naibalik ni Butler ang Heat sa NBA Finals sa unang pagkakataon sapul noong 2014.

Mula sa pagiging homeless, siya na ang magiging sakit ng ulo ng pinakamaangas na player sa kasalukuyan na nagngangalang LeBron James.

Sa Miami, hindi na homeless si Butler. (VE)

The post Pinagtabuyan ng mommy: Miami ‘home’ kay Jimmy first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *