Pilipinas-Octagon sasabak sa Pacific Rim sa Bangkok

mark-herrera-mark-my-word

MALAPIT nang magsisimula ang Pacific Rim basketball tournament sa Thailand sa Abril 19-24 na lalahukan ng iba’t ibang bansa sa Asya.

The post Pilipinas-Octagon sasabak sa Pacific Rim sa Bangkok appeared first on Abante News Online.

pilipinas octagon sasabak sa pacific rim sa bangkok - Pilipinas-Octagon sasabak sa Pacific Rim sa Bangkok
mark herrera mark my word - Pilipinas-Octagon sasabak sa Pacific Rim sa Bangkok

MALAPIT nang magsisimula ang Pacific Rim basketball tournament sa Thailand sa Abril 19-24 na lalahukan ng iba’t ibang bansa sa Asya.

Isa ang Pilipinas-Octagon Parts & Accessories na sasali sa nasabing liga na pinamumunuan ni Coach Mark Asero assisted by Paolo Mateo.

Bubuuin ang Octagon Tires & Accessories Youth squad nina Juancho Albero (Claret), Gian Gomez (LSGH), TJ Delos Santos (Ateneo), Renzo Sandigan (Cla­ret), Bryan Hachuela (LSGH), Lorenzo Tabuñar (Marist), Elijah Cabiluna (Claret), Kelo Ymasa (Ateneo), Chadrick Timbol (San Beda-Alabang), Irus Chua (Xavier) at Daryl Valdeavilla (DLSZ).

Halos lahat ay inaa­sahan sa koponan na ito at ‘di biro ang ginagawang ensayo sa kanila ng mga coach nila.

Kasali rin sila sa upcoming MILCU Tournament. Goodluck sa inyo at alam ko na malayo ang inyong mararating lalo na ang promising player na si Irus Chua.

***

Magkakaron ng basketball tryout ang 13-under elite Quezon city team na lalaro sa Metroball Tournament  at gaganapin sa AMA University wooden court sa Linggo, March 31 sa alas-dos.

Ang inyong lingkod ang hahawak bilang head coach at aking mga asistant na sina Benjie Diswe, Edwin Ancheta, Yong Cate­quista, Gus Fortuna at Peter Herrera na suportado ni AMA Chairman Amb. Amable R. Agui­luz V at President Dr. Amable C. Aguiluz IX.

Binabati ko ang a­king pamangkin na nasa Amerika na si Janella Herrera sa kanyang Most Valuable Player award sa 2019 SBBA Los Angeles Basketball Tournament at sa aking Kuya Peter Herrera na isa ring dating manlalaro at sa kanyang puspusang pagtuturo sa kanyang anak kaya naabot ang tagumpay na ito at supporta ng kanyang asawa na si Ate Shiela.

Binabati ko ng maligayang kaarwan si Mr. Chris Yambao at ang dati kong player na si Onin Aluag ng San Juan.

Binabati ko ang ating Pangulong Rodrigo Duterte ng maligayang kaarawan, na isa sa aking hinahangaang Presidente gaya ni Presidente Ferdinand Marcos.

Iniinbitahan ko kayong manood nga­yong Biyernes sa tune up game ng AMA Online PBA D League team laban sa Solid San Juan MBT team na gaganapin sa AMA QC.

Lahat ng gustong sumali ng liga na pang-grassroot level ay sumali po kayo sa Youth Basketball League ni coach Rensy Bajar, Breakdown Basketball at MEBL ni coach Igi de Leon.

Belated happy birthday din sa aking Mommy Judy Herrera nitong March 27 at binabati ko naman ang aking Daddy Lito.

The post Pilipinas-Octagon sasabak sa Pacific Rim sa Bangkok appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *