Pilipinas 10 medalya pa lang sa Olympics

ISA sa pinaka-aabangan ng mga sports fan ngayong taon ang gaganapin na Tokyo Olympics sa Japan bagama’t may kinakaharap ng coronavirus pandemic ang mundo.

The post Pilipinas 10 medalya pa lang sa Olympics first appeared on Abante.

pilipinas 10 medalya pa lang sa olympics - Pilipinas 10 medalya pa lang sa Olympics
Olympics - Pilipinas 10 medalya pa lang sa Olympics

ISA sa pinaka-aabangan ng mga sports fan ngayong taon ang gaganapin na Tokyo Olympics sa Japan bagama’t may kinakaharap ng coronavirus pandemic ang mundo.

Magugunita na dahil sa nasabing global health pandemic, naunsyami nitong 2020 ang Summer Games.

Apat na Pinoy pa lamang ang swak na sa Olympics kabilang sina pole vaulter EJ Obiena, gymnast Carlos Yulo, boxers Eumir Marcial at Irish Magno.

Sa kabuuan, 10 medalya pa lamang ang naiuuwi ng mga atletang Pinoy sa quadrinneal sports event simula nang lumahok ang bansa noong 1924.

Hindi pa nakakatikim ng ginto ang Pilipinas sa Olympics.

Unang nakasungkit ng Olympic medal para sa bansa si Teófilo Yldefonso (swimming) noong 1928 Amsterdam Olympics nang makopo nito ang kanyang bronze medal.

Nadagdagan pa ito ng isa pang bronze medal ni Yldefonso sa 1932 Los Angeles Olympics, kasabay pa ang bronze medal nina Simeon Toribio (high jump) at Jose Villanueva (boxing).

Para naman sa 1936 Berlin Olympics, nakamit ni Miguel White (athletics) ang kanyang tansong medalya habang nauwi naman ni Anthony Villanueva (boxing) ang unang silver medal ng bansa sa ginanap na 1964 Tokyo Olympics.

Humataw naman ng bronze medal si Leopoldo Serantes (boxing) sa 1988 Seoul Olympics at nasundan pa ng isa pang tanso medalya ni Roel Velasco (boxing) sa 1992 Barcelona Olympics.

Komopo naman sa 1996 Atlanta Olympics ang nakababatang kapatid ni Roel na si Mansueto “Onyok” Velasco (boxing) ng silver medal at isa pang pilak na medalya ni Hidilyn Diaz (weightlifting) sa nakalipas na 2016 Rio Olympics. (JAToralba)

The post Pilipinas 10 medalya pa lang sa Olympics first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *