Pierce kantiyaw inabot kay Wade

TAPOS na ang mga National Basketball Association (NBA) playing career nina legend Dwyane Wade at Paul Pierce, pero may concern pa rin sila sa dating team

The post Pierce kantiyaw inabot kay Wade first appeared on Abante.

pierce kantiyaw inabot kay wade - Pierce kantiyaw inabot kay Wade
abante wade pierce - Pierce kantiyaw inabot kay Wade

TAPOS na ang mga National Basketball Association (NBA) playing career nina legend Dwyane Wade at Paul Pierce, pero may concern pa rin sila sa dating team

Ilang minuto pagkaraang tapusin ng Miami Heat ang Boston Celtics sa series-clinching Game Six, 125-113, (4-2) para makopo ang Eastern Conference title nitong Linggo, tinawagan ni Wade si Pierce para ibalita at buskahin na nanalo ang kanyang tropa laban sa nilaruan ng kausap.

Naging maayos naman ang may ilang segundong balitaktakan ng dalawa base sa Twitter post nitong Lunes kung saan sobrang saya ni Wade sa pagharap ng Heat sa Los Angeles Lakers sa 74th league finals 2019-2020.

Pang-apat na playoffs match na ito ng Miami at Boston na dinomina ng Heat, 3-1. Una sa 2013 East Finals din (4-3), at sa 2011 semis.

Tanging angas ng Celtics sa 2010 first round.

Nasa Heat si Wade, 38, noong 2003-2016 at 2018-2019 saka nagretiro, samantalang si Pierce, 42, nasa Celtics noong 1998-2013. (Ramil Cruz)

The post Pierce kantiyaw inabot kay Wade first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *