Phisgoc ni Cayetano hahawak sa SEA Games

MANANATILI ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) Foundation Inc. na mangu-nguna sa hosting ng bansa sa 2019 SEA Games.

The post Phisgoc ni Cayetano hahawak sa SEA Games appeared first on Abante News Online.

phisgoc ni cayetano hahawak sa sea games - Phisgoc ni Cayetano hahawak sa SEA Games
alan 3 - Phisgoc ni Cayetano hahawak sa SEA Games

MANANATILI ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) Foundation Inc. na mangu-nguna sa hosting ng bansa sa 2019 SEA Games.

Ito ay sa kabila ng balitang ayaw na umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagkatiwala sa Phisgoc ang pagho-host sa biennial meet dahil sa alegasyon ng karapsiyon kaya pinauubaya na ito sa Philippine Olympic Committee (POC) at sa Philippine Sports Commission (PSC).

Sa isinagawang 30th SEA Games broadcast and media conference kahapon sa Sofitel, sinabi ni Phisgoc chief executive officer Ramon Suzara na walang katotohanan ang mga alegasyon ng korapsiyon at iregularidad.

“I think the negative publicity doesn’t help organizing the Games. I appeal to all the media practitioners to support,” sabi ni Suzara, na idiniin na ang limang bilyong budget na inaprubahan ng Kongreso para sa SEA Games maging ang isang bil-yong karagdagang pondo na ina-prubahan ni Duterte ay hawak lahat ng PSC.

Dagdag ni Suzara, magkakaroon ng pulong ang Phisgoc, POC at PSC sa Malacañang bukas para maresolba ang mga isyu.

Pormal na kinilala ng pangulo ang Phisgoc na pinamumunuan ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa Memorandum Circular 56 na inisyu noong Enero 25, kung saan inaatasan lahat ng government agency at government-owned and controlled corporation na suportahan ang private body.

Gayunman, nilinaw ni Suzara na handa silang sumailalim sa imbestigasyon kung kinakailangan.

“How can we be transparent when the budget is with PSC and the DBM (Department of Budget and Management) is the one processing the bidding? All is with them, it’s not with us. We are just gi-ving the requirements,” paglilinaw ni Suzara. (Lito Oredo)

The post Phisgoc ni Cayetano hahawak sa SEA Games appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *