Peyups ititindig ni Paras

KAPWA babalikwas sa pagkatalo sa kani-kanilang huling asignatura ang University of the Philippines (UP) Maroons at ang University of the East (UE) Red Warriors sa balik hostilidad ng second round eliminations ng UAAP Season 82 men’s basketball tournament Sabado sa SM Mall of Asia Arena.

peyups ititindig ni paras - Peyups ititindig ni Paras
paras - Peyups ititindig ni Paras

Team Standings

Ateneo 9 0

UP 5 3

UST 5 4

DLSU 4 4

FEU 4 5

Adamson 3 6

UE 3 6

NU 2 7

Mga laro ngayon:

(Mall of Asia Arena)

2:00pm — Adamson vs NU

4:00pm — UP vs UE

KAPWA babalikwas sa pagkatalo sa kani-kanilang huling asignatura ang University of the Philippines (UP) Maroons at ang University of the East (UE) Red Warriors sa balik hostilidad ng second round eliminations ng UAAP Season 82 men’s basketball tournament Sabado sa SM Mall of Asia Arena.

Hindi papaawat sina Kobe Paras at ang Fighting Maroons sa 4:00pm showdown nila kontra Red Warriors sa unang salpukan.

Bigo ang UP (5-3) nitong Linggo laban sa FEU Tamaraws sa score na 79-82 via overtime.

Hindi sapat ang 22 points, siyam na rebounds at anim na steals ni Paras, maging ang 14 points, 11 rebounds, dalawang assists at tig-isang block at steal ni reigning MVP Bright Akhuetie.

“I’m not looking at the game beyond Saturday. We’re going to prepare hard for that game because it’s going to be very very important for us,” sabi ni UP interim coach Ricky Dandan, na humahalili kay head coach Bo Perasol.

Hindi rin nakaporma ang UE (3-6) nitong Miyerkoles kontra UST Growling Tigers sa score na 73-101.

Kulang ang 24 points ni Alex Diakhite, 11 points mula kay Neil Tolentino at tig-10 puntos nina Philip Manalang at Rey Suerte sa laban. (Janiel Abby Toralba)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *