Petron pilay, wala si Mikay

NABIGO sa nakaraang conference ang Petron Blaze Spikers kaya walang ibang nasa kukote ni head coach Shaq Delos Santos kundi bumawi sa Philippine Superliga Invitational Conference.

petron pilay wala si mikay - Petron pilay, wala si Mikay
mika 3 - Petron pilay, wala si Mikay

Mga laro ngayon:

(Ynares Sports Arena)

12:00nn — Opening Ceremony

2:00pm — Sta. Lucia vs PLDT

4:00pm — F2 Logistics vs Petron

6:00pm — Cignal vs Foton

NABIGO sa nakaraang conference ang Petron Blaze Spikers kaya walang ibang nasa kukote ni head coach Shaq Delos Santos kundi bumawi sa Philippine Superliga Invitational Conference.

Mapapalaban agad ang Blaze Spikers sa kanilang unang laro, dahil katapat nila ang reigning All-Filipino champion F2 Logistics Cargo Movers sa alas-4 ng hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

“We will do our best to bounce back,” saad ni Delos Santos. “This is a very short tournament and every game counts. It’s good that we will be facing F2 Logistics early so we can gauge where we are right now against a solid team like them.”

Bawas ang pangil ng Petron ngayong conference dahil hindi maglalaro si star middle blocker Mika Reyes dahil sa kanyang knee therapy.

Inaasahang dadaan sa butas ng karayom ang Blaze Spikers bago makuha ang panalo sa cargo Movers na ibabandera ang kanilang pambato na si last conference Most Valuable Player (MVP) Fil-American Kalei Mau.

Magtatapat sa unang laro sa alas-2 ng hapon ang Sta. Lucia Lady Realtors at PLDT habang magkakaldagan sa ala-6 ng gabi ang Foton Tornadoes at Cignal HD Spikers.

samantala, magkakaroon muna ng simpleng opening ceremony sa alas-12 ng tanghali. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *