Petmalung GM ng mundo babanggain ni Wesley So

MAPAPALABAN na naman si super grandmaster Wesley So sa 2nd Grand Prix Series Knockout 2019 na gaganapin sa Jurmala/Riga, Latvia.

The post Petmalung GM ng mundo babanggain ni Wesley So appeared first on Abante News Online.

petmalung gm ng mundo babanggain ni wesley so - Petmalung GM ng mundo babanggain ni Wesley So
ABANTE Pesimo Marticio chess - Petmalung GM ng mundo babanggain ni Wesley So

MAPAPALABAN na naman si super grandmaster Wesley So sa 2nd Grand Prix Series Knockout 2019 na gaganapin sa Jurmala/Riga, Latvia.

Pinakamalakas na Grand Prix Series sa history ng chess ang sasabakan ni 25-year-old So dahil kalahok ang mga malulupit ng GM sa buong mundo upang magkaroon ng tsansang makalaban si reigning world champion GM Magnus Carlsen ng Norway.

Tutulak ng piyesa sina GM Veselin Topalov ng Bulgaria, GM Levon Aronian ng Armenia, GM Maxime Vachier-Lagrave ng France at dating world championship challenger GM Sergey Karjakin ng Russia.

Ang ibang kasali ay sina GM Anish Giri ng the Netherlands, Alexander Grischuk ng Russia, Hikaru Nakamua ng USA, Yu Yangyi ng China, Shakhriyar Mamedyarov ng Azerbaijan, Peter Svidler ng Russia, David Navara ng Czech Republic, Jan Kzysztof Duda ng Poland, Nikita Vitiugov ng Russia, Daniil Dubov ng Russia at Pentala Harikrishna ng India.

Magku-qualify sa World Chess Candidates ang dalawang mananalo sa Grand Prix Series.

Magsisimula ngayong­ gabi ang bakbakan. (Elech Dawa)

The post Petmalung GM ng mundo babanggain ni Wesley So appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *