Perez paramdam agad

SINEMENTUHAN ng last year’s runner-up F2 Logistics Cargo Movers ang No. 2 spot matapos nilang walisin sa tatlong set ang nagkukumahog na Foton Tornadoes, 28-26, 25-15, 25-23 kahapon sa Philippine Superliga Grand Prix, 2019 sa FilOil Flying V Center, San Juan.

The post Perez paramdam agad appeared first on Abante News Online.

perez paramdam agad - Perez paramdam agad
Abante 2019 MJ Perez - Perez paramdam agad

SINEMENTUHAN ng last year’s runner-up F2 Logistics Cargo Movers ang No. 2 spot matapos nilang walisin sa tatlong set ang nagkukumahog na Foton Tornadoes, 28-26, 25-15, 25-23 kahapon sa Philippine Superliga Grand Prix, 2019 sa FilOil Flying V Center, San Juan.

Nagpakitang-gilas ang ibinalik na import ng Cargo Movers na si MJ Perez, nagtala ng 15 attacks at apat na blocks para ilista ang 9-3 karta ng F2 Logistics.

“I’m so happy to be back here in the PSL,” saad ni Perez. “It feels really great to play for F2 Logistics again. They’re like a family to me and I’m really so happy.”

Bukod kay Perez, naging instrumento rin sa panalo ng F2 Logistics sina two-time PSL Most Valua­ble Player Lindsay Stalzer at local Alexine Cabanos na tumikada ng 22 excellent sets.

May dalawang laro pa sa 14-game preliminary round ang Cargo Movers pero kahit ano maging resulta ng kanilang laro ay mananatili sa kanila ang twice-to-beat advantage sa quarterfinals. (Elech Dawa)

The post Perez paramdam agad appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *