Perez pangresbak ng F2 Logistics

MISYON ng F2 Logistics Cargo Movers na masilo ang titulo sa Philippine Superliga Grand Prix 2019, nasa pangatlong puwesto sila ng team standings tangan ang 8-3 karta pero hindi sila kuntento sa kanilang kinalalagyan.

The post Perez pangresbak ng F2 Logistics appeared first on Abante News Online.

perez pangresbak ng f2 logistics - Perez pangresbak ng F2 Logistics
f2 2 - Perez pangresbak ng F2 Logistics

MISYON ng F2 Logistics Cargo Movers na masilo ang titulo sa Philippine Superliga Grand Prix 2019, nasa pangatlong puwesto sila ng team standings tangan ang 8-3 karta pero hindi sila kuntento sa kanilang kinalalagyan.

Sa tatlong talo ng Cargo Movers, dalawa ay galing­ sa mahigpit nilang karibal na defending champion Petron Blaze Spikers at para sa kanila hindi maganda iyon.

Kaya naman humugot sila ng malupit na reinforcement upang palitan si Rebecca Perry.

Ibinalik ng F2 Logistics si Venezuelan open spiker­ Maria Jose Perez para tambalan si two-time PSL Most Valuable Player Lindsay Stalzer.
Malaki ang maitutulong ni hard-hitting import Perez sa Cargo Movers lalo na at may injuries sina team captain Cha Cruz-Behag, Kim Dy at Kim Fajar­do.

Hindi na nagdalawang-isip ang F2 Logistics na ibalik si Perez nang malasap ang pangatlong talo sa kamay ng Blaze Spikers.

Dahil sa pagbabalik ni Perez, dalawang former MVPs na ang armas ng Cargo Movers.

Tinanghal na MVP si 31-year-old Perez nang sikwatin ng Cargo Movers ang 2017 PSL Grand Prix championship, si Kennedy Bryan ang kanyang kasamang import noon, tinalo nila ang Petron Blaze Spikers na hugot sina Stalzer at Hillary Hurley.
Makikilatis si Perez sa Huwebes pagharap nila sa nagkukumahog na Foton. (Lito Oredo)

The post Perez pangresbak ng F2 Logistics appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *