Perez nangangamoy SMB

PAGPASOK ng 2021, papayagan na muling makipag-trade ang 12 koponan bilang paghahanda sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 season.

The post Perez nangangamoy SMB first appeared on Abante.

perez nangangamoy smb - Perez nangangamoy SMB
cj perez 3 - Perez nangangamoy SMB

PAGPASOK ng 2021, papayagan na muling makipag-trade ang 12 koponan bilang paghahanda sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 season.

Ayon nitong Linggo kay PBA commissioner Willie Marcial, sa January 4 matatapos na ang moratorium sa trade para mapakapaghanda na ang mga team sa susunod na season na target simulan sa Abril 9

Mauuna sa opening ang 36th PBA Rookie Draft 2021 sa Marso 14.

Pinatigil ang trade sa pro league buhat nang tumama ang Covid-19 pandemic sa bansa nitong Marso.

Hinirit pa ni Marcial, na tinaon ito para mapag-aralan na ng mga team ang kanilang gagawin kaugnay rin sa nalalapit na rookie draft.

Isa sa mga inaabangan ngayong puwede na muli ang pakikipag-trade ay si CJ Perez, na ilang rumor ang nagsasabing posibleng kunin ito para sa napipintong rebuilding ng San Miguel Beermen mula sa Terrafiurma Dyip.

Huli pang nagkaroon ng trade sa liga nitong Pebrero, kung saan nalipat sa TNT Tropang Giga si Poy Erram mula Blackwater Elite.

Sinubukang makuha ang panig nina San Miguel Corporation Sports Director Alfrancis Chua at Beermen coach Leo Austria. Pero wala pa silang mga tugon. (Ray Mark Patriarca)

The post Perez nangangamoy SMB first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *