Perez kumana ng 34 pts kontra San Miguel

NAGMANEHO ng 34 points, 8 rebounds, 4 assists at 4 steals si CJ Perez upang rendahan ang Columbian sa sorpresang pagsagasa sa overtime sa San Miguel Beer, 134-132, sa 44th Philippine Basketball Association 2019 Commissioner’s Cup eliminations Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.

The post Perez kumana ng 34 pts kontra San Miguel appeared first on Abante News Online.

perez kumana ng 34 pts kontra san miguel - Perez kumana ng 34 pts kontra San Miguel
CJ 5 - Perez kumana ng 34 pts kontra San Miguel

NAGMANEHO ng 34 points, 8 rebounds, 4 assists at 4 steals si CJ Perez upang rendahan ang Columbian sa sorpresang pagsagasa sa overtime sa San Miguel Beer, 134-132, sa 44th Philippine Basketball Association 2019 Commissioner’s Cup eliminations Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.

Naglaho ang third quarter 14-point lead ng Dyip sa lay up din ng super rookie mula sa Lyceum of the Philippines University, pero walang kapagurang kumayod ito hanggang sa endgame ng five-minute extra period.

Si Perez ang nagpalamang sa OT at nagsemento sa lead ng Dyip upan g bluilyasuhin ang rally ng SMB.

Kumalas sa three-game losing skid ang Dyip para sumampa sa 2-6 at mabuhayan pa sa karera sa playoffs, nahatak pabulusok sa 2-5 ang reigning five-time Philippine Cup champions­ San Miguel.

May matikas ding gabi si Lester Prosper sa Dyip na bumusina ng 40 markers, 13 boards, 3 feeds at tig-2 stls. at blocks. Pati si team skipper Rashawn McCarthy na may 27 pts., 14 asts. at 6 rebs.

Si Arwind Santos ang humatak ng OT sa buzzer-beating 3 sa regulation play na natapos sa 118-118.

Nawalang halaga ang 26 pts. at 16 rebs. ni Charles Rhodes sa Beermen. Gayundin ang 24 at 15 sa nasabing mga departamento ni five-time MVP June Mar Fajar­do. (Lito Oredo)

The post Perez kumana ng 34 pts kontra San Miguel appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *