Perez, Bolick swak sa Gilas

MAAARI nang mabuo ang Gilas Pilipinas na sasabak sa nalalapit na November window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers subalit malaking kuwestiyon kung makakapagsanay ba ang pambansang koponan dahil sa kawalan ng permiso mula sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease.

The post Perez, Bolick swak sa Gilas first appeared on Abante.

perez bolick swak sa gilas - Perez, Bolick swak sa Gilas
perez bolick - Perez, Bolick swak sa Gilas

MAAARI nang mabuo ang Gilas Pilipinas na sasabak sa nalalapit na November window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers subalit malaking kuwestiyon kung makakapagsanay ba ang pambansang koponan dahil sa kawalan ng permiso mula sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease.

Nabuksan ang posibilidad na makapagbuo ng pambansang koponan matapos na apat na koponan ang maagang magpapaalam sa ginagawa na 2020 PBA Philippine Cup kung saan dalawa sa posibleng magbalik na kabilang sa miyembro ng Gilas Pilipinas sina CJ Perez at Robert Bolick.

Ilan din sa maaring isama sina Batang Pier Christian Standhardinger, Mac Belo ng Blacwater at Kiefer Ravena ng NLEX Roard Warriors.

Tanging problema lamang sa mga manlalaro na posibleng mapalakas ang pambansang koponan ay ang kanilang kundisyon paglabas sa PBA bubble matapos ang matinding iskedyul at sunod-sunod na araw ng paglalaro.

Tanging kumpirmado pa lamang na sasabak para sa national squad ang mga special Gilas draftees na si Isaac Go, Rey Suerte, Allyn Bulanadi, at ang kambal na sina Matt at Mike Nieto pati na si Jaydee Tungcab.

Inaasahan din na isasama sa pool sina Kobe Paras, Dave Ildefonso, Calvin Oftana at ang magkapatid na sina Juan at Javi Gomez de Liano. (Lito Oredo)

The post Perez, Bolick swak sa Gilas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *