Perez, Bolick bagong bala ng Gilas Pilipinas

FRUSTRATED, disappointed, nanghihinayang.

perez bolick bagong bala ng gilas pilipinas - Perez, Bolick bagong bala ng Gilas Pilipinas
Sarah Asido Basketbolera 1 - Perez, Bolick bagong bala ng Gilas Pilipinas

FRUSTRATED, disappointed, nanghihinayang.

Ilan lang ‘yan sa mga salita na narinig, nabasa natin matapos ang stint ng ating Gilas Men’s Team sa FIBA World Cup.

Hindi naman siguro tayo dapat makaramdam ng frustration, ibinigay naman ng lahat ng miyembro ng team ang kanilang makakaya, may bagong mga bayani nga na lumitaw.

Nariyan sina CJ Perez at Robert Bolick. Kaya kung may mararamdaman tayo, ’yun ay ang excitement para sa mga kompetisyon pang ating sasalihan, sa bagong dagdag na bala ng Gilas ay paniguradong mabubuhay muli ang puso, angas ng ating pambasang koponan.

***

Ayos na ayos kay Coach Tim Cone ng Barangay Ginebra na maging coach ng ating pambansang koponan sa darating na SEA Games na gaganapin sa ating bansa.

Maraming natuwa sa balitang ito, ang tulad ni Coach Tim ang isa sa mga kailangan ng team.

Mas magiging maganda rin ito dahil madali na siguro makakuha ng SMC players. Alam naman natin na maraming malulupet na players ang SMC teams na magiging malaking tulong sa kampanya natin sa SEA Games.

Sure na sure tayo diyan mga Ka-Abante, atin ang ginto sa darating na SEA Games, no pressure.

***

Pag-usapan naman natin ang Gilas Women’s Team. Sila ngayon ay nasa India para sa FIBA Women’s Asia Cup.

Syempre, hindi lang lalaki ang nagpapaikot sa mundo ng basketball, nariyan rin ang mga kababaihan na matatapang at buong pusong lumalaban para sa bansa natin.

Nagsimula ang torneo nitong Martes, Setyembre 24, ngayong araw matatapos ang group stage, ang top team sa dalawang grupo ay sigurado nang may spot sa semis.

Gusto ko lang itaas ang bandera ng mga kababaihan mga Ka-Abante kahit hindi Women’s month, bakit?

Bakit hindi?

Hindi ba mga Ka-Abante, ibang klase ang tikas na mayroon ang Gilas Women’s Team natin, kasama sa koponan ang mga beterana na sa international competitons na sina Jack Animam, Janine Pontejos, Gemma Miranda, Chack Cabinbin, Afril Bernardino at Andrea Tongco.

Sinamahan rin sila ng bagong mukha na si Fil-Am Kelli Hayes. Malalakas ang kasama ng Gilas Women’s sa Group B, pero mas malakas ang tiwala at bilib ko na hindi sila magpapadaig kahit pa mga power house ang kanilang kabakbakan.

Malaking tulong itong FIBA Asia sa ating national team para na rin paghahanda sa darating na SEA Games, panigurado naman na uuwing matagumpay ang ating Women’s team dahil sa sipag, determinasyon, commitment at puso nila para sa ating bansa.

Laban mga Basketbolera!

***

Abangan po ninyo mga ka-Abante ang second year ng Sportalakan tuwing Martes, 6pm.

Maraming salamat po. God bless mga ka-Abante!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *