PBA team practice pinaplantsa ni Kume

Posibleng ilarga na ng PBA teams ang five-on-five practices sa susunod na linggo.

The post PBA team practice pinaplantsa ni Kume first appeared on Abante.

pba team practice pinaplantsa ni kume - PBA team practice pinaplantsa ni Kume
abnate team practice - PBA team practice pinaplantsa ni Kume

Posibleng ilarga na ng PBA teams ang five-on-five practices sa susunod na linggo.

Naabisuhan na raw ng league officials ang 12 team managers pero hindi pa final hangga’t walang official announcement ang PBA sa pamamagitan ng memo.

Ayon sa isang source, si commissioner Willie Marcial ang maglalabas ng memo kapag nagkausap na sila ng Games and Amusements Board sa pangunguna ni chairman Baham Mitra.

Kailangan munang plantsahin ang ilang safety protocols na ipapatupad.

“Baka aside from the safety measures, ma-discuss din doon sa meeting kung kailan papayagan ang teams na makapag-5-on-5 na,” anang source.

Handa na ring sumabak sa puspusang ensayo ang players para magpa-kondisyon bago ang siklab ng 46th season sa April.

Pinigil ng coronavirus pandemic noong March, August na pinayagang mag-ensayo sa gyms ang players pero limitado sa apat na players kasama ng isang trainer at safety officer.

Sa bubble sa Clark, Pampanga na nakapag-scrimmages ang 11 teams noong September. TNT lang ang maagang nakapag-5-on-5 dahil nagtayo ng training bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba. (VE)

The post PBA team practice pinaplantsa ni Kume first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *