PBA lugi pero napasaya mga fan – Kume

Bagama’t tagumpay ang kinalabasan ng PBA Philippine Cup ngayong may pandemya, malaki naman umano ang nawala sa financial status ng liga sa kawalan ng mga aktuwal na fan sa ginanap na bubble season.

The post PBA lugi pero napasaya mga fan – Kume first appeared on Abante.

pba lugi pero napasaya mga fan kume - PBA lugi pero napasaya mga fan – Kume
Willie Marcial 1 1 1 - PBA lugi pero napasaya mga fan – Kume

Bagama’t tagumpay ang kinalabasan ng PBA Philippine Cup ngayong may pandemya, malaki naman umano ang nawala sa financial status ng liga sa kawalan ng mga aktuwal na fan sa ginanap na bubble season.

Ayon kay league commissioner Willie Marcial sa panayam nito sa Abante Sportalakan, “malaking bagay yun, halos kalahati ng budget namin nasa fans, sa ticketing, ‘yung mga merchandising, so malaking bagay yun.”

Ngunit idiniin naman ni Marcial na bagama’t may kabawasan sa financial aspect ng liga, tinuloy pa rin ng mga ito ang bubble season para sa mga solid fans ng PBA.

“Kung sa pera, ang laki ng nawala sa amin,” litanya ni Marcial.

“Pero ‘yun nga, sa atin naman makapagbigay ng saya at pag-asa sa mga fan natin, tinuloy natin.”

Samantala, pinag-aaralan naman ngayon ng liga para sa ika-46 season ng PBA sa Abril ang gagawing set-up para sa bubble, venue nito at availability ng COVID-19 vaccine. (JAToralba)

The post PBA lugi pero napasaya mga fan – Kume first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *