PBA Bubble posible ba?

BALIK MECQ na naman tayo mga ka-Abante.

pba bubble posible ba - PBA Bubble posible ba?
basketbolera - PBA Bubble posible ba?

BALIK MECQ na naman tayo mga ka-Abante.

Kumusta na ba kayo? Matagal rin tayong hindi nakapagkwentuhan mga ka-Abante.

Sana ay okay lang kayo.

Marami ang nangyari sa bansa mula noong Marso nang magsimula ang quarantine.

Naapektuhan nang matindi ang mundo ng sports dahil sa COVID-19 pandemic.

Ilang atleta rin ang tinamaan nito.

Pero ngayon mga ka-Abante, kung mapapansin natin ay balik na sa sirkulasyon ang NBA kaya naman ang mga basketball fans natin ay tuwang-tuwa na naman dahil sa live games na ating mapapanood.

Mula nang magsimula ang scrimmages ng NBA at hanggang sa ngayon na actual games ay wala pa namang naging aberya. Kitang-kita ang bawat gigil ng manlalaro dahil ilang buwan rin silang natigil.

Maaksyon ang bawat NBA game na mapapanood nang muli sa Cignal TV kaya buhay na naman ang dugo ng mga fan.

Pero may tanong lang ako mga ka-Abante, ang PBA kaya? Kailan natin masisilayan ang kadugtong nang naudlot na laro noong Marso 8.

Pinayagan na ang liga na mag-ensayo ngunit balik MECQ na naman ang bansa kaya mauudlot na naman ito.

Nawa ay gawing pamantayan ng liga ang NBA at gumawa rin ng isang bubble para masigurado na hindi talaga lalabag sa protocols ang bawat manlalaro ng team at masiguro ang safety ng bawat miyembro ng PBA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *