Pauline, PH taekwondo bibira sa Asian Qualifying

Limang beteranong national taekwondo jins ang magtatangkang sungkitin ang kanilang sariling silya sa gaganapin ngayong taon na Tokyo Olympics sa pagsabak nito sa nalalapit na Asian Continental Qualifying sa ikatlong linggo ng Marso sa Amman, Jordan.

The post Pauline, PH taekwondo bibira sa Asian Qualifying first appeared on Abante.

pauline ph taekwondo bibira sa asian qualifying - Pauline, PH taekwondo bibira sa Asian Qualifying
3 4 - Pauline, PH taekwondo bibira sa Asian Qualifying

Limang beteranong national taekwondo jins ang magtatangkang sungkitin ang kanilang sariling silya sa gaganapin ngayong taon na Tokyo Olympics sa pagsabak nito sa nalalapit na Asian Continental Qualifying sa ikatlong linggo ng Marso sa Amman, Jordan.

Una sa listahan ang 2016 Rio De Janeiro Olympian na si Kirstie Elaine Alora kasama sina Asian champion Pauline Lopez at kapwa Southeast Asian Games gold medalist Kurt Barbosa, Samuel Morrison at Arven Alcantara.

Itinakda ng World Taekwondo ang pagsasagawa ng huling Asian Olympic Qualifiers kung saan pag-aagawan ng 45 bansa sa Asya ang mga pupunuing silya para sa Continental quota na makakatuntong sa Tokyo, Japan para sa pandaigdig na Summer Games na gaganapin sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Una nang napili ng Philippine Sports Commission (PSC) ang sport na taekwondo, boxing at karate na sumailalim sa national training bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna simula sa Enero 9. (Lito Oredo)

The post Pauline, PH taekwondo bibira sa Asian Qualifying first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *