Paul lipat bakod sa Phoenix Suns

TAPOS na ang hulaan, nakaraang linggo lamang ay umugong ang balitang maraming teams at players ang nag-aagawan para makuha ang serbisyo ni basketball star Chris Paul.

The post Paul lipat bakod sa Phoenix Suns first appeared on Abante.

paul lipat bakod sa phoenix suns - Paul lipat bakod sa Phoenix Suns
cp3 1 - Paul lipat bakod sa Phoenix Suns

TAPOS na ang hulaan, nakaraang linggo lamang ay umugong ang balitang maraming teams at players ang nag-aagawan para makuha ang serbisyo ni basketball star Chris Paul.

Pumutok ang balita kahapon na lalaro si 35-year-old veteran Paul sa Phoenix sa 2020-2021 NBA season matapos magkasundo ang team nitong Oklahoma City Thunder at Suns sa usapang trade.

Kapalit ni 6-foot-1 guard Paul sina Kelly Oubre Jr., at Ricky Rubio kasama ang 2022 first-round draft pick.

“Man, I’m 35 years old and I still get a chance to play basketball every day and say that’s my way of life,” hayag ni Paul. “That is crazy in itself so regardless what happens, I’ll be ready.”

Presidente ng National Basketball Players Association, makakasama muli ni Paul si Suns coach Monty Williams, na naging mentor din niya sa New Orleans Hornets nang maglaro siya noong 2010-2011 season.

“What a business,” tweeet ni Rubio.

Malaking bagay din si Oubre sa Thunder dahil may average itong career-high 18.7 points nakaraang season habang si Rubio ay isang beterano at pang-10th year na niyang naglalaro sa NBA. (Elech Dawa)

The post Paul lipat bakod sa Phoenix Suns first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *