Patong Patong walang kalawang

KAHIT matagal natengga ang karera ay ipinakita pa rin ni stakes race campaigner Patong Patong ang kanyang tikas noong Linggo sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

The post Patong Patong walang kalawang first appeared on Abante.

patong patong walang kalawang - Patong Patong walang kalawang
karera ng kabayo 1 - Patong Patong walang kalawang

KAHIT matagal natengga ang karera ay ipinakita pa rin ni stakes race campaigner Patong Patong ang kanyang tikas noong Linggo sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Tumakbo si Patong Patong sa PHILRACOM Rating Based Handicap System, pumuwesto sa pangatlo sa largahan pero agad nitong kinuha ang bandera sa unang 100 metro ng laban.

Tumuloy hanggang meta si Patong Patong, nanalo ng may 10 kabayo ang distansiya sa sumegundong si Calle Loreta habang tersero si Alonzo Hall.

“Mahusay talaga, hindi nagbago ang takbo baka ‘yung mga tumatalo sa kanya dati ay puwede niyang matsambahan dahil matagal na walang karera,” masayang hayag ni Rudy De Leon sa Facebook page ng karera.

Si jockey JD Flores ang sumakay kay Patong Patong. (Elech Dawa)

The post Patong Patong walang kalawang first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *