Pasiklab ni Herro panis sa Pelicans

HINDI umubra ang ikinamadang 17 puntos ni Tyler Herro, yumuko pa rin ang Miami Heat sa mas gigil na New Orleans Pelicans, 92-114, kahapon sa preseason game ng 2020-2021 NBA season.

The post Pasiklab ni Herro panis sa Pelicans first appeared on Abante.

pasiklab ni herro panis sa pelicans - Pasiklab ni Herro panis sa Pelicans
abante tyler herro 2 - Pasiklab ni Herro panis sa Pelicans

HINDI umubra ang ikinamadang 17 puntos ni Tyler Herro, yumuko pa rin ang Miami Heat sa mas gigil na New Orleans Pelicans, 92-114, kahapon sa preseason game ng 2020-2021 NBA season.

Bumira ng double-double si sophomore forward Zion Williamson upang buhatin ang New Orleans Pelicans sa panalo.

Tumikada si Williamson ng 26 points at 11 rebounds habang umalalay ng 22 markers at tig-anim na assists at rebounds si Brandon Ingram.

Lamang ang Pelicans ng 13 puntos sa fourth quarter at hindi na nila hinayaang makaporma ang Eastern Conference defending champions Heat.

Ilang beses nagbadyang lumapit ang Heat pero nauudlot ito ng kanilang mga turnover.

Maagang uminit ang opensa ni Ingram, nagtala ito ng 16 puntos sa first half para sa New Orleans na umiskor ng 60 puntos sa unang dalawang period.

Pagsapit ng second half, si Williamson naman ang naging agresibo sa opensa para sa New Orleans.

May 14 at 11 markers naman para sa Miami sina Duncan Robinson at Kendrick Nunn.

Hindi naglaro sa Heat sina Jimmy Butler at Goran Dragic. (Elech Dawa)

The post Pasiklab ni Herro panis sa Pelicans first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *