Pasaol, Munson pag-aagawan

Maliban sa tinataguriang “sleeper” sa mga manlalarong umaasam tumuntong sa propesyonal na liga, nakatuon ang atensiyon sa pagitan ng beteranong 3×3 player na sina Joshua Munzon at Alvin Pasaol bilang mga posibleng maging top overall draft pick sa gaganapin sunod na taon na PBA Rookie Draft.

The post Pasaol, Munson pag-aagawan first appeared on Abante.

pasaol munson pag aagawan - Pasaol, Munson pag-aagawan
abante 3x 1 - Pasaol, Munson pag-aagawan

Maliban sa tinataguriang “sleeper” sa mga manlalarong umaasam tumuntong sa propesyonal na liga, nakatuon ang atensiyon sa pagitan ng beteranong 3×3 player na sina Joshua Munzon at Alvin Pasaol bilang mga posibleng maging top overall draft pick sa gaganapin sunod na taon na PBA Rookie Draft.

Inaasahan nang magkakahiwalay ng landas ang matagal nagkasama na sina Munzon at Pasaol sa pagpapahayag ng kanilang naisin na sumali sa PBA Draft base na rin sa kanilang matitinding ekspiriyensa hindi lamang sa 3×3 kundi pati na rin sa paglalaro sa PBA D-League.

Bitbit ni Pasaol ang highest individual scoring record sa UAAP habang naglalaro pa ito sa University of the East habang pinatunayan naman ng Fil-Am na si Munzon ang husay nito sa paglalaro sa D-League.

Nakatakda pang irepresenta nina Munzon at Pasaol, kasama sina Christian Jaymar “CJ” Perez at Moaal Tautuaa ang bansa sa Olympic Qualifying Event sa 3×3 sa susunod na taon.

Maliban sa dalawa, nagpahayag na rin kanilang paglahok sina Santi Santillan ng La Salle, Fil-Am Franky Johnson at ang nakababatang kapatid ni Maverick Ahanmisi ng Alaska Aces na si Jerick Ahanmisi mula sa Adamson. (Lito Oredo)

The post Pasaol, Munson pag-aagawan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *