Pasabog nina Dela Rosa, Miranda aasahan ng JRU

Hindi pa nag-uumpisa ang 95th NCAA men’s basketball tournament ay bawas agad ang bangis ng Jose Rizal University Heavy Bombers.

The post Pasabog nina Dela Rosa, Miranda aasahan ng JRU appeared first on Abante News Online.

pasabog nina dela rosa miranda aasahan ng jru - Pasabog nina Dela Rosa, Miranda aasahan ng JRU
Abante JRU - Pasabog nina Dela Rosa, Miranda aasahan ng JRU

By: Elech Dawa

Hindi pa nag-uumpisa ang 95th NCAA men’s basketball tournament ay bawas agad ang bangis ng Jose Rizal University Heavy Bombers.

Ito’y dahil lumipat ng eskuwelahan ang pambato ng Heavy Bombers na si Jed Mendoza.

Puwede sanang sandalan ng Kalentong-based squad JRU si Darius Estrella pero nagkaroon naman ito ng injury at hindi na makakalaro sa buong season.
Kaya inaasahang kakapit ang mga batang player sa natirang beterano na sina Ry Dela Rosa, MJ Dela Virgen at Agem Miranda.

“Palagi kong kinakausap sina Agem at Ry, sabi ko malaki ang responsibilidad ninyo sa team,” saad ni Louie Gonzalez ang bagong head coach ng Jose Rizal University. “With their attitude, they’re really up to it.”

Halos mga batang player ang ibabangga ng Heavy Bombers pero para kay Gonzalez ay bibigyan nila ng magandang laban ang ibang bigating teams na kasali.

“One thing’s for sure, la­laban ito.” ani Gonzalez.
Samantala, makikilatis ang mga bagong player ng JRU na sina John Delos Santos, John Amores, Marwin Dionisio at Thomas Vasquez pagsalang nila sa July 9 kontra San Sebastian College Stags sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Sa Sabado magbubukas ang nasabing liga sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

The post Pasabog nina Dela Rosa, Miranda aasahan ng JRU appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *