Parusa ni Ayo ekis kay Quinto

HINDI pabor sa parusang indefinite ban kay former UST Growling Tigers coach Aldin Ayo si PBA guard Bong Quinto.

The post Parusa ni Ayo ekis kay Quinto first appeared on Abante.

parusa ni ayo ekis kay quinto - Parusa ni Ayo ekis kay Quinto
ayo - Parusa ni Ayo ekis kay Quinto

HINDI pabor sa parusang indefinite ban kay former UST Growling Tigers coach Aldin Ayo si PBA guard Bong Quinto.

“Hindi ako pabor sa naging desisyon na i-ban si coach Aldin,” sambit ng Meralco Bolts guard sa Spin.ph.

“Siguro ‘yung isa or dalawang taon na suspended, pwede na siguro yun para may matutunan naman sa isang pagkakamali. Pero yung indefinite ban, masyadong mabigat yun para sa side ni coach Aldin. Maganda naman yung intention ni coach Aldin sa bubble kaso yun nga, bawal lang kasi talaga.”

Nagkasama sina Quinto at Ayo sa Letran ng magkampeon ang Knights noong NCAA Season 91.

Para sa 6-foot-2 cager, malaking bagay rin umano ang pagkawala ng veteran tactician sa UAAP.

“Ang laking bagay talaga na mawawala siya sa UST. ‘Yung mga player pa naman niya doon, ang lalaki ng potential,” dagdag ni Quinto.

“Sa mga coaches na rin sa UAAP nanggaling na ibang klase makipag-compete every game’ yung team ni coach Aldin. So para sa akin, ang laking bagay talaga ‘yung pagkawala ni coach sa UAAP.” (JAT)

The post Parusa ni Ayo ekis kay Quinto first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *