Party ni Irving iimbestigahan

Kumakalat ngayon sa social media ang isang video kung saan namataan sa isang birthday party si Brooklyn Nets guard Kyrie Irving kaya naman susuriin ito ng NBA kung may nilabag ang basketbolista na COVID-19 protocols.

The post Party ni Irving iimbestigahan first appeared on Abante.

party ni irving iimbestigahan - Party ni Irving iimbestigahan
6 5 - Party ni Irving iimbestigahan

Kumakalat ngayon sa social media ang isang video kung saan namataan sa isang birthday party si Brooklyn Nets guard Kyrie Irving kaya naman susuriin ito ng NBA kung may nilabag ang basketbolista na COVID-19 protocols.

Sa kanilang laban nitong Miyerkoles (Manila time) kontra Denver Nuggets, absent pa rin ang All-Star guard na unang napabalitang may “personal issues”.

“We are aware of a video on social media featuring Kyrie Irving at a family gathering,” pahayag mula kay Nets general manager Sean Marks.

“We are reviewing the circumstances with both Kyrie and the NBA in order to determine compliance with health and safety protocols.”

Makikita sa mga kumakalat na video ang hindi pagsusuot ni Irving ng mask sa party na isang violation mula sa league health and safety rules.

Hindi naman binanggit ng Nets official kung kailan makakabalik ang one-time NBA champion kasama ang koponan.

“Kyrie will have the opportunity to address his absence when he is ready to do so, ” saad pa ni Marks.

Inaasahan namang mananatiling absent si Irving sa laban ng Nets kontra New York Knicks sa Huwebes (Manila time). (JAToralba)

The post Party ni Irving iimbestigahan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *