Parks una sa stats race

LIGWAK man ang koponan niyang TNT Tropang Giga sa 2020 Honda PBA Philippine Cup sa bubble format sa Clark, may pakunsuwelo naman si Ray-Ray Parks dahil no. 1 naman ito sa statistics race ng katatapos lang na torneo na pinagkampeonan ng Barangay Ginebra Gin Kings.

The post Parks una sa stats race first appeared on Abante.

parks una sa stats race - Parks una sa stats race
abnate parks - Parks una sa stats race

LIGWAK man ang koponan niyang TNT Tropang Giga sa 2020 Honda PBA Philippine Cup sa bubble format sa Clark, may pakunsuwelo naman si Ray-Ray Parks dahil no. 1 naman ito sa statistics race ng katatapos lang na torneo na pinagkampeonan ng Barangay Ginebra Gin Kings.

Partida ito para kay Parks dahil hindi ito nakalaro sa huling tatlong laban dahil sa injury.

Sumunod sa listahan sina Calvin Abueva ng Pheonix, CJ Perez ng TerraFirma, Matthew Wright ng Phoenix ulit at panglima naman si RR Pogoy ng TNT.

Hawak ni Parks ang statistical points na 38.2, si Calvin naman ay 37.1, Perez ( 35.7), Wright (35.65) at Pogoy na may 35.64 statistical points.

Nasa Top 10 naman sina Stanley Pringle (Ginebra), Christian Standhardinger (NorthPort), Japeth Aguilar (Ginebra), Scottie Thompson (Ginebra) at Jayson Perkins (Phoenix).

Isasagawa ang PBA Special Awards sa Enero. (Aivan Episcope)

The post Parks una sa stats race first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *