Parks, Perez, iba pa napipisil sa Gilas pool

Kabuuang 29 na Philippine Basketball Association (PBA) players ang kasama sa listahan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na ninanais nito mahiram upang isabak sa krusyal na ikatlong window ng FIBA Asia Cup Qualifier sa susunod na buwan sa Clark, Pampanga.

The post Parks, Perez, iba pa napipisil sa Gilas pool first appeared on Abante.

parks perez iba pa napipisil sa gilas pool - Parks, Perez, iba pa napipisil sa Gilas pool
parks 1 - Parks, Perez, iba pa napipisil sa Gilas pool

Kabuuang 29 na Philippine Basketball Association (PBA) players ang kasama sa listahan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na ninanais nito mahiram upang isabak sa krusyal na ikatlong window ng FIBA Asia Cup Qualifier sa susunod na buwan sa Clark, Pampanga.

Sinabi ni SBP president Alfredo Panlilio na hindi muna nito maihahayag ang mga pangalan ng 29 na manlalaro dahil sa may kahirapan na programa na ninanais nitong mailatag para sa bubuuin na pambansang koponan na isasabak nito kontra sa karibal na South Korea at nagpalakas na Indonesia.

Pero inaasahang kasama sa listahan sina Kiefer Ravena, Roger Pogoy, Troy Rosario, CJ Perez, Poy Erram, Japeth Aguilar, LA Tenorio, Ray-Ray Parks at Christian Standhardinger.

Ipinaliwanag ni Panlilio na ang mga player ay isasailalim sa mahigit isang buwang bubble training.

“We will be putting them in another bubble-type environment,” sabi ni Panlilio sa ulat ni Musong Castillo ng Inquirer.

“That’s why we don’t want to release the names of the PBA players yet. The SBP is cognizant of the sensitivities surrounding such an announcement. And because of the bubble, some of those players might not want to go.”

Nakatakda din ang SBP at PBA na magpulong ngayong linggo upang ipinalisa ang listahan ng bubuo sa Gilas pool. (Lito Oredo)

The post Parks, Perez, iba pa napipisil sa Gilas pool first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *