Parks, Alab dudugtungan ang buhay

Maagang magbakasyon o ipagpatuloy ang tsansang maipagtanggol ang bitbit na titulo ang tatangkain ngayong gabi ng Alab Pilipinas sa pagsagupa sa Hong Kong Eastern sa Game 2 ng kanilang best-of-three series sa ASEAN Basketball League sa Southorn Stadium sa Wan Chai, Hong Kong.

The post Parks, Alab dudugtungan ang buhay appeared first on Abante News Online.

parks alab dudugtungan ang buhay - Parks, Alab dudugtungan ang buhay
alab 4 - Parks, Alab dudugtungan ang buhay

Laro ngayon: (Southorn Stadium/Hong Kong)
8:00 pm Hong Kong Eastern vs Alab Pilipinas

Maagang magbakasyon o ipagpatuloy ang tsansang maipagtanggol ang bitbit na titulo ang tatangkain ngayong gabi ng Alab Pilipinas sa pagsagupa sa Hong Kong Eastern sa Game 2 ng kanilang best-of-three series sa ASEAN Basketball League sa Southorn Stadium sa Wan Chai, Hong Kong.

Nabitawan ng Alab sa isang pitik lamang ng daliri ang pinaghirapan nito sa buong taon na homecourt advantage kontra 7th ranked Eastern matapos malasap ng nagtatanggol na kampeon ang 88-90 kabiguan sa Hoops Dome sa Cebu City.

Kaya naman sa pagdayo nito sa inaasahang dominanteng lugar para sa Eastern ay puwersado ang Alab Pilipinas na ipanalo ang laban upang hindi lamang buhayin ang tsansa nito makatuntong sa semifinals kundi pati ang ipag­laban ang hangad nitong maging unang koponan na nakapagtala ng back-to-back na pagwawagi sa korona.

Dalawang sunod nang nabigo sa nakalipas na limang laro ang Alab kontra sa Eastern matapos na una itong tatlong sunod naman manalo sa kanilang paghaharap. (Lito Oredo)

The post Parks, Alab dudugtungan ang buhay appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *